Ikinasal na ang dating Sexbomb dancer at ngayo’y aktres na si Rochelle Pangilinan sa kanyang ‘long time boyfriend’ na si Arthur Solinap.
Ginanap ang bonggang Christian wedding sa Los Arboles sa Tagaytay kahapon, Martes.
Suot ni Rochelle ang napakagandang mermaid dress na puno ng mga kristal na dinesenyo ng Dubai-based Filipino designer na si Michael Cinco.
Ilan sa mga celebrities na namataan sa kasal ay sina Vic Sotto, Pauline Luna, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Tito Sotto, Joey de Leon, Allan K, John Arcilla, Ruby Rodriguez, Gloc-9, Dingdong Dantes, Michael V, Sunshine Dizon, Jolina Magdangal, Hayden Kho, at ang magkapatid na Angelika at Mika dela Cruz.
Na-engaged sina Rochelle at Arthur noong 2016 matapos ang 7 taong pagiging magkasintahan.
—AR | DWIZ 882