Pursigido ang koponang Houston Rockets na itabla ang kanilang 2-1 na kartada sa Golden State Warriors sa game 4 ng NBA Western Conference Finals bukas.
Ito’y makaraang aminin mismo ni Rockets coach D’antoni na naging malamya ang kanilang naging performance noong game 3 na siyang dahilan para maungusan sila ng Warriors.
Inaasahan naman ni Warriors Coach Steve Kerr na magiging gitgitan ang game 4 dahil sa aniya’y pagiging gutom ng Rockets sa pagkapanalo.
Samantala, maghaharap naman ngayong araw ang mga koponang Boston Celtics at Cleveland Cavaliers kung saan, kailangang itabla ng celtics ang kanilang panalo kontra sa Cavs.