Wagi ang Houston Rockets kontra Golden State Warriors sa game 4 ng western conference semifinals ng NBA.
Gumawa ng 38 points at 10 rebounds si James Harden at sumuporta naman sina Eric Gordon na gumawa ng 20 points at PJ Tucker na kumana ng 17 points para tapusin ang sagupaan sa final score na 112-108.
Dahil dito kapwa may dalawang panalo na ang Rockets at Warriors sa kanilang best of seven series.
Gaganapin ang game 5 ngayong araw na ito sa Oakland, California.