Nakatakdang humarap sa Palm Beach County Criminal Justice Complex sa Florida ang mag-amang sina Rod stewart at anak nitong si Sean.
Ito’y makaraang sampahan sila ng reklamong “simple battery” dahil sa panununtok umano sa isang security guard sa isang hotel sa nasabing US State.
Batay sa ulat ng pulisya, hinarang umano ng guwardya ang mag-ama na pumasok sa isang pribadong event sa Breakers Palm Beach Hotel nitong bisperas ng bagong taon.
Tinulak umano ni Sean ang guwardya at saka sinuntok naman ito ng amang si Rod sa dibdib.
Sa panig naman ng guwardya, nakita nito ang isang grupo malapit sa check in table ng isang private event at sinubukan nitong pumasok ng walang permiso kaya’t ginawa lamang aniya nito ang kaniyang tungkulin.