Naging extra special ang selebrasyon ng ika-30 taong kaarawan ni Kapuso hunk actor Rodjun Cruz.
Ito ay matapos na mag-propose ang aktor sa kanyang sampung taon nang kasintahan na si Dianne Medina habang nagbabakasyon at nagdidiwang ng kanyang kaarawan kasama ang kanyang pamilya sa Boracay.
Batay sa ipinost na larawan ni Dianne sa kanyang Instagram account, mismong ang kapatid ni Rodjun na si Rayver ang kumuha ng kanilang picture ng romantic proposal ng Kapuso actor kasabay ng Boracay sunset.
Nilagyan din ni Diane ang kanyang post ng caption na “In God’s Perfect Time.
Maging si Rayver ay masayang nagbahagi rin ng larawan ng proposal ni Rodjun kay Dianne at binati ang mga ito.
Magugunitang sa mga naunang panayam kay Diane ay sinabi nito na handa na siyang lumagay sa tahimik at hinihintay na lamang si Rodjun.
A post shared by Rodjun Cruz (@rodjuncruz) on