Hinimok ni Cagayan De Oro Representative Rufus Rodriguez ang pamahalaan na palawigin pa ang serbisyo ng mga kontraktuwal na empleyado ng gobyerno hanggang sa katapusan ng taon.
Sa kanyang ipinadalang liham kay Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Rodriguez na umaabot sa pitong daang libong mga tinatawag na job order o contract of service na empleyado ng gobyerno ang nanganganib na matanggal sa serbisyo.
Aniya, posibleng hindi ma-renew o ma-extend pa ang serbisyo ng mga nabanggit na manggagawa gitna ng nararanasang sitwasyon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni rodriguez, hindi sakop ng civil service law ang mga nabanggit na empleyado ng pamahalaan at hindi nakakakuha ng mga katulad na benepisyo ng mga regular na manggagawa.
Maliban aniya rito, karaniwan ding tumatagal lamang ng hanggang anim na buwan ang kontrata ng mga nasabing government employees. Ulat mula kay —Jill Resontoc (Patrol 7)