Tiwala si Congressman Rufus Rodriguez na maihahabol pa sa nalalabing sesyon ng Kamara ang pagtalakay sa usapin ng prangkisa ng ABS-CBN.
Ito, ayon kay Rodriguez, ay dahil sang-ayon naman ang mga mambabatas kabilang si House Speaker Alan Peter Cayetano na dapat mabigyan ng extension ang ABS-CBN franchise.
Ipinabatid ni Rodriguez na sa nalalabing pitong araw ng sesyon ng Kamara, sinabi ni Rodriguez na kaya pang maibigay ang temporary extension para magpatuloy ang operasyon ng media network.
Kabilang aniya sa mga pagbabatayan sa posibleng pagpapalawig ng prangkisa ay ang interest of equity at ang pagtitiyak na hindi maaantala ang broadcast operation ng network, gayundin ang kanilang T.V. at entertainment operation.
Inihayag pa ni Rodriguez na hindi na kailangang magkaroon ng provisional authority mula sa National Telecommunications Commission (NTC) kapag naaprubahan ng Kamara at Senado ang joint resolution na magpapalawig sa validity ng prangkisa ng ABS-CBN.