Desidido na si Roger Federer na maglaro sa Miami Open na magsisimula sa susunod na linggo.
Ito ang kinumpirma ng agent ni Federer na si Tony Godsick hinggil sa plano ng 17-time grand slam tournament champion.
Matatandaang noong nakaraang buwan, isinailalim sa surgery si Federer dahil sa torn knee cartilage at hindi na ito nakalaro pa matapos matalo kay Novak Djokovic sa semi-finals ng Australia Open.
By Meann Tanbio