Lusot na sa finals ng Australian Open si Swiss tennis star na si Roger Federer.
Ito ay matapos sumuko sa ikalawang set ng semifinals ang kalabang Korean tennis player na si Hyeon Chung dahil sa malaking paltos sa kaliwang paa nito.
Ayon kay Federer, maraming beses na rin siyang lumaban noon na nagkapaltos ang kanyang paa kaya’t ramdam niya ang sakit na iniinda ni Chung.
Dahil dito, isang hakbang na lang si Federer bago masungkit ang kanyang ika-20 grand slam singles title.
—-