Mawawala muna ng ilang buwan sa aksyon si Roger Federer.
Ito ay matapos sumailalim sa operasyon sa kanyang tuhod ang Swiss tennis star.
Natamo ni Federer ang kanyang injury nang matapos ang karera nito sa Australian Open noong nakaraang linggo.
Dahil sa naturang injury, napilitan si Federer na umatras sa ABN Amro World Tennis Tournament sa Rotterdam at sa Dubai Duty Free Tennis Championship.
Inamin ni Federer na dismayado siyang hindi makalaro sa naturang mga torneo na kanyang mga paborito.
Tiniyak naman ni Federer sa mga tennis fan na makakabalik din siyang agad sa tennis court para maglaro pagtapos ng mga ikinakailangang rehabilitation.
By Ralph Obina
*Photo Credit: bbc