Umatras na sa French Open si Swiss Tennis star Roger Federer.
Ang 17-time major champion, may iniinda siyang pananakit ng likod kayat nagpasyang hindi na maglaro sa French Open.
Sa isang press conference, humingi ng paumanhin si Federer at nagpaliwanag na hindi niya maibibigay ang kanyang 100 porsyento sa laro kayat minarapat niyang magpahinga na lamang muna.
Taong 2009 nang huling makuha ni Federer ang titulo ng French Open.
Kasalukuyang nasa ikatlong rank sa buong mundo si Federer kung saan hawak nito ang 88 career titles.
By Ralph Obina