Nasungkit ng Swiss tennis star na si Roger Federer ang kampeonato sa kauna-unahang Laver Cup.
Ito ay makaraang idispatsa ni Federer ang kalabang si Nick Kygrios sa iskor na 4-6, 7-6.
Ang naturang torneo ay bilang pagpupugay sa 11-time major champion na si Rod Laver na nakapagtala din ng grandslam sa magkasunod na taon.
Ang tatlong araw na kompetisyon ay salpukan ng dalawang team na kinabibilangan ng pinakamagagaling na manlalaro ng tennis sa Europa na lalaban naman sa 6 na pinakamagagaling sa buong mundo.
—-