Laglag na sa Paris Masters si Swiss Tennis Star Roger Federer.
Ito ay matapos siyang idispatsa ng Amerikanong kalaban nito na si John Isner sa iskor na 7-6, 3-6, 7-6.
Kinapos nang husto si Federer sa labang ito sa kabila ng magandang performance na naipakita nito sa Swiss Indoor Basel Championship kung saan siya ang nakapag-uwi ng kampeonato.
Dahil dito, mapag-iiwanan sa Federer ng mga mahigpit nitong karibal na sina Novak Djokovic at Rafael Nadal na kapwa pasok na sa quarter finals.
Samantala, makakalaban naman sa quarter finals ni Isner ang Spanish tennis player na si David Ferrer.
By Ralph Obina