Balak tapatan ni Roger Federer ang nakamit na tagumpay ng kaniyang counterpart sa tennis na si Serena Williams.
Ito’y kasabay ng kaniyang nakatakdang pakikipagharap kay Novak Djokovic sa mens singles finals sa All England Club, Open Era.
Magugunitang itinanghal na oldest woman champ si Williams na nais namang tapatan ni Federer bilang oldest man champ.
Sampung beses na maglalaro si Federer para sa Wimbledon Final kaya’t puspusan ang kaniyang ginagawang paghahanda sa laban.
By Jaymark Dagala