Inilibing na si Dating National Security Adviser Jose Roilo Golez, kanina sa heritage park sa Taguig City.
Dumalo sa libing ang mga malalapit na kaanak at kaibigan ng dating kongresista sa pangunguna ng kanyang asawa at mga anak.
Bumuhos ang emosyon nang ihatid na nila sa huling hantungang si Golez.
Binigyan ito ng 3-volley salute at full military honors para sa kanyang serbisyo sa Philippine Navy bilang naval captain.
Pumanaw si Golez noong June 11 sa edad na 71 dahil sa cardiac arrest.