Pormal nang nanungkulan si Rolando Ledesma Macasaet bilang Pangulo at Chief Executive Officer ng Social Security System (SSS).
Pinalitan ni Macasaet si Michael Gonzales Regino na pitong taong nanungkulan sa SSS.
Tiniyak ni Macasaet na tuluy-tuloy ang pagpapatupad ng mga reporma para mapaigting pa ang serbisyo ng SSS sa mga Pilipino.
Bago maitalaga sa SSS si Macasaet ay naging president at general manager ng Government Service Insurance System (GSIS) sa ilalim ng administrasyong Duterte.