Magpapatupad ng panibagong bigtime rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo.
Batay sa pagtaya, maglalaro sa 1.7 hanggang 9 sentimos ang bawas sa presyo ng kada litro ng diesel.
30 hanggang 40 sentimos naman ang kaltas sa presyo ng kada litro ng gasolina habang 1.9 sentimos hanggang 2.10 sentimos naman sa kerosene.
Inaasahang magiging epektibo ang tapyas presyo sa darating na Martes.