Kasado na ang ipatutupad na tapyas presyo sa mga produktong petrolyo Bukas, Setyembre 8.
Sa abiso ng mga kumpanya ng langis, P0.30 kada litro ang magiging bawas sa presyo ng gasolina.
Kuwarenta’y singko sentimos (P0.45) kada litro ang tapyas sa diesel habang P0.50 kada litro sa kerosene.
Epektibo ang nabanggit na rollback simula alas-6:00 ng umaga bukas maliban sa Cleanfuel na magpapatupad ng tapyas presyo ng alas -8:01 at Caltex na alas-12:01 ng hating gabi.