Nagsasanay na ang mga magbabakuna kontra COVID-19 sa Pasig City.
Ito ay inihayag ng lokal na pamahalaan ng Pasig, bilang paghahanda sa roll-out vaccination program ng lungsod.
Kasama ang Department of Health (DOH) sa nasabing aktibidad.
Samantala, ang unang babakunahan ay ang medical frontliners, sumunod ang senior citizens at persons with disabilities (PWD)’s. —sa panulat ni John Jude Alabado