Sumalubong sa unang araw ng Marso ang rollback sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas o LPG ng kumpanyang Petron.
Epektibo ang rollback ng Petron sa kanilang Gasul at Fiesta Gas kaninang alas 12:01 ng madaling araw.
Aabot sa 35 sentimos kada kilo o katumbas na P3.85 kada 11-kilogram cylinder ang ibinawas sa presyo ng LPG.
Umaabot naman sa 20 sentimos kada litro ang itinapyas sa presyo ng Auto-LPG.
Ang rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyo ng LPG sa world market.
By Meann Tanbio