Inilarga na ng mga kumpaniya ng langis ang ika-limang serye ng tapyas presyo sa mga produktong petrolyo.
Unang nagpatupad kaninang alas-12:01 ng hatinggabi ang mga kumpaniyang Petron, Seaoil at Shell ng P0.50 na rollback sa kada litro ng kanilang diesel habang P0.20 naman sa gasoline.
Ganito rin ang ipatutupad ng mga kumpaniyang Phoenix Petroleum at PTT Philippines alas-6:00 ngayong umaga.
Habang tanging ang mga kumpaniyang Petron, Seaoil at Shell ang magpapatupad ng P0.50 na rollback sa kada litro ng kerosene.
Una nang nagpatupad ng P0.50 na rollback sa kada litro ng diesel ang kumpaniyang Eastern Petroleum alas-6:00 kagabi habang P0.25 naman ang rollback nito sa kada litro ng kanilang gasolina.
By Jaymark Dagala