Kinumpirma ng DOE o Department of Energy na magpapatupad ng oil price rollback ang mga kumpaniya ng langis bukas, Setyembre 19.
Batay sa abiso ng DOE o Department of Energy, posibleng bumaba ng P0.15 ang presyo ng kada litro ng gasolina, P0.10 sa kada litro ng diesel habang P0.05 naman sa kerosene.
Ayon kay Energy Undersecretary at Spokesman Felix Fuentebella, bunsod ang naturang rollback ng mababang demand sa mga produktong petrolyo habang nananatiling mataas ang suplay nito sa world market.
Batay sa pinakahuling tala, naglalaro sa P29 hanggang P37 ang presyo ng kada litro ng diesel habang mula P40 hanggang P50 naman ang presyo ng kada litro ng gasolina.
—-