Isang transport group ang nananawagan ng tapyas pasahe sa jeep sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.
Ayon kay ACTO National President Efren de Luna, dapat tapyasan ng P0.50 o ibalik sa P7.00 mula sa P7.50 sa unang apat na kilometro ang minimum fare.
Ito, anya, ay bunsod ng patuloy na oil price rollback sa Pilipinas bunsod ng bumubulusok na presyo ng sa world market.
Nanawagan din si de Luna sa Department of Trade and Industry (DTI) na babaan ang presyo ng motor spare parts at commodities upang maramdaman hindi lamang ng mga jeepney operators ang epekto ng mababang presyo ng langis.
Samantala, bukas naman si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Winston Ginez sa panukalang fare reduction at sa katunayan ay ipapatawag niya ang mga public transport group upang talakayin ang proposal ng ACTO.
By Drew Nacino