Good news! May aasahan na namang bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang mga motorista ngayong linggong ito.
Ayon sa source ng DWIZ mula sa industriya ng langis, maglalaro sa 50 hanggang 60 sentimos ang posibleng ibaba sa presyo ng kada litro ng gasoline.
Nasa sampu hanggang 20 sentimos naman ang posibleng ibaba sa presyo ng kada litro ng diesel habang wala nang inaasahang paggalaw sa presyo ng kerosene.
Ito na ang ikalawang sunod na linggong nagpatupad ng rollback ang mga kumpaniya ng langis ngayong buwan matapos itong buksan ng sunud-sunod at malakihang umento sa nakalipas na mga linggo.