Imposible pang magkaroon ng rollback sa presyo ng langis sa bansa.
Ayon kay Atty. Rino Abad, Director ng Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau, nananatiling malabo ang pagbaba ng presyo ng langis.
Dahil ito sa ibinigay na sanction ng kanlurang bansa sa Russia dahil sa pagsakop ng Ukraine.
Nabatid na sa susunod na linggo, aabot sa 3 pesos hanggang 5 pesos ang itataas sa kada litro ng presyo ng langis, na ikasampung linggo nang tumataas. – sa panulat ni Abby Malanday