Nagbabadyang magpatupad ng rollback ang mga kumpaniya ng langis sa pagpasok ng linggong ito
Batay sa monitoring ng Department of Energy, maglalaro sa 65 hanggang 75 sentimos ang inaasahang rollback sa presyo ng kada litro ng gasolina
Nasa 55 hanggang 65 sentimos naman ang nagbabadyang rollback sa presyo ng kada litro ng diesel
Habang maglalaro naman sa 40 hanggang 50 sentimos ang posibleng rollback sa presyo ng kada litro ng kerosene
Ayon sa DOE, bunsod ang nasabing rollback sa mababang presyo ng langis sa World Market sa unang 4na araw ng trading sa World Market
by: Jaymark Dagala