Ilalarga na sa Martes ng mga kumpaniya ng langis ang kanilang pagtatapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo matapos ang pitong sunod na linggo ng mga pagtaas sa presyo nito.
Maglalaro mula .40 hanggang .60 ang rollback sa kada litro ng gasolina, .5 hanggang .10 naman sa kada litro ng diesel habang .10 hanggang .20 naman sa kerosene.
Gayunman, kung susumahin ay nasa halos P9 pa ring nagmahal ang presyo ng gasolina, P7 sa diesel habang P4 naman sa kerosene.
Una rito, sinabi ng Department of Energy (DOE) na ang price adjustments ay bunsod ng galaw ng presyo ng langis sa lokal at pandaigdigang merkado.