Epektibo na ngayong araw ang panibagong round ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Dakong 12:01 a.m. nang ipatupad ng Cleanfuel ang .35 ¢ na bawas sa kada litro ng gasolina at sampung sentimong tapyas sa kada litro ng diesel.
6:00 am naman nang ilalarga ng Petro Gazz at Sea Oil ang kaparehong price adjustment sa gasolina at diesel, at 0.30¢ bawas sa kada litro ng kerosene.
Ang ipinatupad na rollback ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.