Good news para sa mga motorista!
Kasado na bukas ang ipatutupad na bawas-presyo sa produktong petrolyo ng ilang kumpanya ng langis sa bansa.
Ito ang ika-3 sunod na linggong bawas-presyo para sa gasolina, diesel at kerosene.
Batay sa abiso ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation, Caltex at Seaoil, maglalaro sa P1.95 ang tapyas-presyo nila sa gasolina, P1.90 sa Diesel at P1. 65 sa kerosene.
Epektibo ang price rollback sa shell at SEAOIL bukas ng alas-sais ng umaga, habang mamayang 12: 01 a.m. ang sa Caltex.
Samantala, ganito ring presyo ang ipatutupad ng PETROGAZZ, PTT PHILIPPINES at CLEANFUEL na epektibo bukas ng umaga, maliban sa kerosene.
Ang isa na namang rollback sa presyo ng langis ay dahil sa pagluluwag ng China sa COVID-19 restrictions at ang paglalagay ng price cap sa krudo mula sa Russia.