Matapos ang sampung magkakasunod na linggong dagdag-presyo, magpapatupad naman ng oil price rollback ang mga kumpanya bukas.
Ayon sa Department of Energy, piso hanggang piso at bente sentimos ang posibleng tapyas sa kada litro ng gasolina; 0.60 hanggang 0.70 sentimos sa diesel habang 0.65 hanggang 0.75 sentimos sa kerosene.
Bago nito, siyam na sunod-sunod na linggong taas-presyo sa gasolina ang inilarga ng mga oil company.
Ito naman ang magiging ikalawang sunod na linggong rollback sa presyo ng diesel at kerosene.—mula sa panulat ni Drew Nacino