Asahan na ang panibagong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa mga susunod na araw.
Ayon sa Department of Energy, maglalaro sa 30 hanggang 40 sentimos ang tapyas presyo sa kada litro ng diesel at gasolina.
Tinaya naman sa 50 hanggang 60 sentimos ang bawas presyo sa kada litro ng kerosene.
Magugunita noong Abril nang ipatupad ng mga kumpanya ng langis ang magkakasunod na linggong price increase.