Magkakaroon ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa mga source mula sa industriya, bababa ng P1.10 hanggang P1.20 ang halaga ng kada litro ng gasolina habang P0.60 hanggang P0.70 sa diesel.
Aabot naman sa P0.65 hanggang P0.75 ang magiging tapyas-presyo sa kada litro ng ga-as o kerosene.
Bago ito, matatandaang nagkaroon ng sampung linggong serye ng oil price hikes na naging dahilan upang magtaasan ang presyo ng mga pangunahing bilihin.