Panibagong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang naka-abang sa mga motorista ngayong linggo.
Ayon sa Unioil Petroleum Philippines, inaasahang maglalaro hanggang 0.60 sentimos ang tapyas presyo sa kada litro ng diesel habang 0.65 sentimos sa gasolina.
Bunsod ito ng pagsadsad ng presyo sa world market dahil sa pabago-bagong demand dulot ng pandemya.
Noon lamang nakaraang linggo ay nagpatupad ng price increase sa gasolina na hanggang P1.05 habang 0.75 hanggang 0.80 sentimos sa kada litro ng diesel.—sa panulat ni Drew Nacino