Inaasahan ang pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa source mula sa industriya, tinatayang magkakaroon ng P.10 hanggang P.20 kada litro ng diesel.
Sinasabing P.30 hanggang P.40 kada litro naman ang bawas-presyo sa gasolina habang maglalaro naman sa P.10 hanggang P.20 ang price rollback sa kada litro ng kerosene.
Napag-alaman na ang paggalaw sa halaga ng langis ay bunga pa rin nang pagbaba ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.