Magpapatupad ng tapyas presyo sa diesel at kerosene ang mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo.
Kasunod ito ng naranasang oil price hike sa unang linggo ng Enero.
Sa anunsiyo ng Shell, Seaoil at Petro Gazz, epektibo alas sais ng umaga sa Martes, Enero 14 ang 20 sentimong bawas sa presyo ng kada litro ng diesel.
Tatlumpung sentimo naman ang rollback sa presyo ng kada litro ng kerosene.
Habang wala namang magiging paggalaw sa presyo ng gasolina.
Una namang ipatutupad ng Cleanfuel 20 sentimong bawas presyo sa kada litro ng kanilang diesel mamayang alas kuwatro ng hapon.