May panibagong tapyas-presyo sa mga produktong petrolyo na aasahan ang mga motorista ngayong linggo.
Sa pagtaya ng mga oil companies, maglalaro sa 25 hanggang 35 sentimos ang bawas presyo sa kada litro ng gasolina.
Kwarenta hanggang 50 sentimos naman ang kaltas sa diesel at kerosene.
Ito na ang ikalawang sunod na linggong magpapatupad ng price rollback sa kanilang mga produkto ang mga kumpanya ng langis.
Ang pagkalat ng COVID-19 delta variant ang pangunahing dahilan ng pagbagal ng recovery ng international demand sa langis.—sa panulat ni Drew Nacino