Good news para sa mga motorista!
Matapos ang tatlong sunud-sunod na linggong rollback sa presyo ng produktong petrolyo, posible muling tapyasan ang oil prices sa susunod na linggo.
Ayon kay Department of Energy Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, sa pagtataya ng world market ay maaari uling mabawasan ang oil prices sa Martes.
Aniya, mayroong indikasyon ng hanggang piso na rollback sa diesel, halos pisong rollback sa kada litro ng kerosene habang posible namang walang paggalaw sa presyo ng gasolina.
Binigyang-diin ni Abad na mayroong dalawang tinitignang dahilan sa pagbaba ng presyo sa world market, kung saan kabilang dito ang intermittent lockdown sa China na nagresulta sa mababang demand ng fuel.
Dagdag pa rito na posible rin aniya na nakaapekto ang tuluy-tuloy na pagtataas ng interest sa iba’t ibang central banks sa mundo.