Inihayag ng Department of Energy (DOE) na magandang senyales ang rollback sa presyo ng produktong petrolyo.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Energy Undersecretary Gerardo Erguiza na ito ay dahil nakadepende ang oil price sa world market crisis.
Dagdag pa niya na walang problema ang bansa sa lokal na suplay ng petrolyo dahil may kontrata aniya ang mga oil companies sa kanilang supplier.
Kaugnay nito, kumukuha aniya ang bansa ng refined crude o krudo sa asia refinery companies tulad sa bansang China, South korea, Singapore at iba pa habang ang hindi refined na krudo ay kinukuha sa Middle East.