Rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang buena manong sasalubong sa mga motorista sa pagpasok ng taong 2019.
P1.80 ang tapyas sa presyo ng kada litro ng diesel, nasa P1.30 naman ang rollback sa presyo ng kada litro ng gasolina at P1.90 ang tapyas sa kada litro ng kerosene.
Ngayong araw, epektibo ang rollback ng Jetti at bukas, huling araw ng 2018 naman magpapatupad ng rollback ang kumpaniyang Petro Gazz habang sa Enero 1 pa ang kumpaniyang Shell.
Kahapon, una nang nagpatupad ng kanilang tapyas presyo ang mga kumpaniyang Phoenix Petroleum, Seaoil, Ptt Philippines at Unioil.
Batay sa tala ng Department of Energy (DOE) mula Enero hanggang Disyembre ng taong ito, mataas pa rin ng P1.50 ang kada litro ang presyo ng diesel.
Nasa .47 namang mataas ang presyo ng kada litro ng gasolina habang bumaba naman .29 sa kada litro ng kerosene.