Magpapatupad ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas, araw ng Martes.
Sa abiso ng Seaoil Philippines Inc., limang piso ang bawas-presyo sa kada litro ng kanilang gasolina, dalawang piso sa diesel at sitente (0.70) sentimos sa kada litro ng kerosene.
Ipatutupad din ng Cleanfuel at Petro Gazz ang kaparehong price adjustment, maliban sa kerosene.
Una nang sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad na ang rollback sa presyo ng petrolyo ay dahil sa intermittent lockdown sa China at pagtaas ng interest rate sa US at iba pang mga bansa.