Asahan na ang panibagong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo bukas, Nobyembre bente-uno.
Dahil dito, bababa ng animnapung sentimo hanggang siyamnapung sa kada litro ng gasolina.
Asahan na rin ang tapyas-presyo sa kada litro ng diesel na aabot ng limampung sentimo hanggang walumpung sentimo.
Habang bawas-presyo rin na limampung sentimo hanggang pitumpung sentimo kada litro ng kerosene.