Posibleng magkaroon sa susunod na linggo ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo.
Ayon kay Department of Energy (DOE) -Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, bumaba ang presyuhan ng krudo sa world market sa nagdaang tatlong araw.
Dagdag pa ng opisyal, kung magtutuloy-tuloy ito hanggang ngayong araw ay may pag-asang magkaroon ng rollback sa susunod na linggo.
Nabatid na ang pagbaba sa presyo ng langis sa pandaigdigang merkado ay maaaring resulta ng peacetalks na nagaganap sa pagitan ng Russia at Ukraine. — sa panulat ni Mara Valle