Uumpisahan na sa susunod na Linggo ang pagtuturok ng ikalawang booster shot sa vulnerable sectors.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, isasagawa sa buong bansa ang pagtuturok ng ikalawang booster shots.
Mababatid na nakatakda sanang simulan ngayong Linggo ang pag a administer ng second booster shots ngunit dahil sa ilang mga isyu ay naantala ito.
Sa ngayon ay aabot na sa 67M Pilipino ang fully vaccinated na laban sa COVID-19, kung saan 12.7M ang nakatanggap na ng kanilang first booster dose.