Sinimulan na kahapon ng National Vaccination Operations Center (NVOC) ang rollout ng booster dose sa mga batang edad 12 hanggang 17 na immunocompromised.
Isinagawa ang rollout sa mga DOH accredited, LGU manage o hospital base vaccination center sa National Capital Region at iba pang rehiyon sa bansa.
Ang mga pasyenteng tuturukan ng booster dose ay kailangang magpakita ang medical certificate mula sa kanilang mga doctor, parents consent form, valid id o dokumentong may larawan ng magulang o guardian ng mga babakunahan at vaccination cards na patunay na nakakumpleto na ng ikalawang doses ng primary series ng covid-19 vaccines.