Inaasahang sisimulan na ang rollout ng vaccination program bukas, Marso 1.
Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., ito’y matapos mai-deliver sa bansa ng Chinese government ang 600,000 doses ng bakuna kontra Covid-19 na gawa ng Sinovac Biotech.
Naudlot naman ang delivery ng 525,600 doses ng vaccine ng AstraZeneca at inaasahang dadating ito sa Pilipinas sa mga susunod na araw sa pamamagitan ng COVAX Facility.
Sinabi ni Galvez na nasa prayoridad pa rin na mabigyan ng bakuna ang mga healthcare workers at iba pang medical front-liners.
Matatandaang binigyan na ng Emergency Use Utilization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA) ang mga pharmaceutical firms tulad ng Pfizer, AstraZeneca, at Sinovac.