Ipinagpaliban ng pamahalaan ang rollout ng first COVID-19 booster dose para sa mga non-immunocompromised na batang edad 12 hanggang 17 dahil sa ilang “glitches” sa Health Technology Assessment Council (HTAC).
Paliwanag ni National Vaccination Operations Center (NVOC) Chair at Health Undersecretary Myrna Cabotaje, gumawa ng kondisyon ang HTAC na kung saan dapat lamang mabigyan ng booster shot ang mga ito kung ang booster coverage sa mga senior citizens sa kani-kanilang lugar ay umabot sa 40%.
Kumpyansa aniya sila na masimulan na ang pagbabakuna ng booster dose sa lahat ng 12 hanggang 17 taong gulang pagkatapos ng mga immunocompromised individuals.
Giit pa ni Cabotaje na alam ng HTAC na mababa ang turnout ng first booster sa mga senior citizen at scientifically, ay may basis ang mga ito pero operationally ay nahihirapan ang kagawaran.
Nabatid na nagsimula ang rollout ng COVID-19 booster shot sa immunocompromised minors nitong Miyerkules.