Nagpasalamat ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa pagkakabilang nito sa prayoridad ng pamahalaan na mabigyan ng COVID-19 vaccine na CoronaVac .
Ito ang inihayag ni PNP Chief P/Gen. Debold Sinas sa kaniyang naging talumpati sa ginawang ceremonial inoculation ng anti covid vaccine sa hanay ng pulisya.
Ayon sa PNP chief, unang mababakunahan ang may 800 police medical frontliners gamit ang mga bakunang donasyon ng China sa Pilipinas.
Sa isinagawang ceremonial inoculation kanina sa Kampo Crame, unang sumalang sina pnp health service director P/BGen. Luisito Magnaye, PNP general Hospital Chief Dr. P/LtCol. Cleto Manongas at ang deputy nito na si Dr. P/LtCol. Raymond Ona.
Kasunod nito, nagpahayag ng kumpiyansa si PNP Chief Sinas sa rollout ng mga bakuna kontra COVID-19 na aniya’y magiging game changer sa pagtugon ng bansa sa pandemya. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)
TINGNAN: Symbolic vaccination kontra COVID-19 hudyat ng pagsisimula ng vaccination rollout sa PNP | via @jaymarkdagala pic.twitter.com/7Ry2vRkTeB
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) March 1, 2021