Posibleng gumulong na ang pamamahagi ng ika-apat na dose ng COVID-19 vaccines sa huling bahagi ng buwan ng Abril o unang bahagi ng Mayo.
ito ay sa oras na aprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization (EUA) ang pagbibigay ng pang-apat na dose ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) at Health Undersecretary Myrna Cabotaje, nagbigay na ng proposal ang DOH sa FDA at sakaling maaprubahan ay agad na maglalatag ang ahensya ng mga guidelines ukol dito.
Paliwanag ni Cabotaje, kailangan pa rin kasing aralin ng FDA ang mga benepisyo at epekto ng pagbibigay ng fourth dose.
Samantala, ikokonsidera naman ng gobyerno sa fourth dose ang mga moderately at severely immunocompromised na mga indibidwal gayundin ang mga madaling mahawaan ng nasabing sakit. – sa panulat ni Abie-Aliño Angeles