Inaprubahan na ni Department of Health Secretary Francisco Duque III ang rollout ng second COVID-19 booster shot sa mga immunocompromised sa susunod na Linggo.
Kabilang dito ang mga pasyente na may cancer, recipients ng organ transplants, HIV o aids patients at iba pa.
Aniya, kasalukuyan nang binubuo ang guidelines sa nabanggit na booster para ipamahagi sa Lunes, April 25.
Sinabi pa ni Duque na sinusuri na ng health technology assessment council ang naturang bakuna para sa a1 priority group o healthcare workers maging ang mga senior citizen.
Matatandaang inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang Emergency Use Authorization (EUA) para sa second booster shots para sa mga senior citizen, immunocompromised, at frontline health frontliners. – sa panulat ni Airiam Sancho