Sumakabilang buhay na ang batikang mamamahayag na si Rolando “Rolly” Espina, ama ng mamamahayag at peace advocate na si Inday-Espina Varona.
Batay sa Facebook post ni Varona, sa edad na walumpu’t apat, pumanaw si Espina sa loob mismo ng tahanan nito sa Bacolod City kapiling ang kaniyang mga anak at apo.
Nagsimula ang karera ni Espina sa Manila Chronicle, nagsilbi ring correspondent ng iba’t ibang lokal at international na peryodiko at isa sa mga nagtatag ng Visayan Daily Star.
Naging pinuno rin si Espina ng PNA o Philippine News Agency, naging editor ng Philippine Daily Inquirer, nagsilbi ring bise presidente ng NPC o National Press Club, pangulo ng Negros Press Club at Chairman ng Negros Bulletin.
Inaantabayanan pa ang anunsyo ng pamilya Espina hinggil sa detalye ng isasagawang burol at libing sa batikang mamamahayag.